Mabuhay ang mga single!

Ayan na. Papalapit na. Nararamdaman ko na. Tadtad nanaman ng mga emo quotes sa facebook at lonely tweets sa twitter. Oo, si pareng Valentine’s day, parating na. ‘Di ko maintindihan kung bakit ang daming may galit sa araw na yan. Dahil ba wala silang special someone na makakasama sa pag-celebrate nito? Oo, ito nga ang araw ng mga puso, pero ibig sabihin ba nito na required kang maghanap ng taong pagbibigyan ng chocolates at flowers? O kaya dapat mag-effort ka ng todo todo para lang makakuha ka ng makakasama sa Feb Fair? Baka nakakalimutan mo na ikaw din ay may puso. Maniwala ka man o hindi, tulad ng mga crush niyo, special ka din. Ngayong February 14, bakit ayaw mo namang subukang mag-relax at i-treat ang iyong sarili? For once, buksan mo naman ang wallet mo para ibili ng chibog ang tiyan mo. O kaya paltan mo na ang luma mong HBW at ipatikim mo naman sa mga kamay mo kung anong pakiramdam ‘pag G-Tech ang gamit. Next time mo na ibili ang mga crush niyo ng mga stuffed toys na matatambak din naman sa bahay. Try niyo din minsan, masaya din naman kahit papano. ‘Wag mong hayaang mabalutan ka ng inggit ‘pag nakakakita ka ng mga couples sa tabi-tabi. Sa nakikita ko, kaya lang naman nagiging malungkot ang isang single na tao ay dahil naaalala nila ang mga moments na meron silang kasama at kapiling. ‘Yung tipong nagflaflashback sa mga utak nila yung panahon na may ka-holding hands sila, kayakap at katext hanggang umaga. Tignan niyo nalang ang kapatid ko, dahil mangmang pa siya pagdating sa mundo ng pag-ibig, ‘di siya namromroblema o nalulungkot ‘pag sasapit ang Valentine’s Day. Para sa kanya, ang Valentine’s Day ay isang normal na araw ng paglaro at pagkain. At sa mga bitter diyan, ehem, ‘wag na ‘wag niyong hayaang sirain ng isang tao ang araw niyo. Potek yan. Halos 7 billion ang mga nilalang sa mundo, hahayaan mo lang bang mabadtrip ka sa isa? Parang may mali dun ah. Hindi ka nabuhay para magluksa at umiyak lang buong maghapon. Smile, chillax, and enjoy life. ‘Wag mong hayaan ang sarili mo na ma-inlove sa isang taong hinding hindi mag-aaksaya ng luha para sa’yo. Marami sa atin ang nagmamadali ‘pag pumasok sa isang relationship. Inaamin ko na isa na ko dun. At masasabi kong mali at panget ‘yun. Bakit? Isipin mo nalang na ang isang relationship ay parang nagbe-bake ka ng cake. Hindi ito magiging moist, masarap at kaaya-aya kung minadali mo ang paggawa nito. At tulad ng isang relationship, ‘pag minadali mo ‘to, puro regret at tears lang ang makukuha niyo. Minsan sa buhay, kailangan mo ding maghintay. Haste makes waste. Kung sa palpak na cake nga nanghihinayang ka na eh, pano pa kaya ‘pag ang isang relationship ang minadali mo? Kaya take it slow. Prerequisite ba ng Chem 40 ang magka-girlfriend o boyfriend? Hindi naman ‘di ba? Kaya don’t rush, dadating din ang tamang oras para kumilos at para simulan ang matamis na landas ng pag-ibig. Kaya sa ating mga single, don’t be sad. Instead, keep your heads up high, as in yung sobrang taas. Bakit ka mahihiya? ‘Pag single ba, ibig sabihin torpe, panget, mahina at malandi agad? Bakit ayaw niyo munang isipin na sadyang maalam lang talaga tayong maghintay, maghanap ng tamang timing at magmahal? Kaya sa mga single diyan, APIR! Cheers! Balang araw, mahahanap mo din ang taong bibigyan ka ng matamis na “Oo” hindi lang sa harap ng mga kaibigan mo, kundi sa tapat ng isang magarbong altar.

Kaibigan mo, Kapatid ko, at mahal nating lahat

February 4, 1997. Isang date na kung kailan naganap ang isa sa mga pinakamalupet na pangyayari in history. Sa sobrang astig at lupet, hindi mo ito alam. Swerte ka ngayon, at pagbibigyan kita. Sa araw na yan pinanganak ang isa sa mga prestigious na “Michael” na kilala ko. Isipin mo nalang, sa sobrang husay niya sa basketball, sumuko sa kanya si Michael Jordan sa 1v1. Sa sobrang husay niya pagdating sa mundo ng swimming, pinagmukha niyang newbie si Michael Phelps. At sa sobrang imba ng kanyang tuts at killer dance moves, nilampaso niya si Michael Jackson. Marahil maitatanong mo kung sino ang tinutukoy ko. Ito’y wala nang iba kundi si Michael Princena Gonzaga. Mukha siyang isang typical na high school student. Astig yang taong yan. Ang dami masyado ng hobbies niyan. Matulog, kumain, magDoTA, umutot, kumain, kumain, umutot, kumain, magDoTA, magDoTA habang kumakain, magDoTA habang kumakain habang umuutot. San ka pa? siya ang diyos ng multi-tasking. Mahusay din yan sa larangan ng katamaran at valedictorian sa pagsuway sa kanyang magulang. Siguro maiisip mo ngayon kung pano naging karespe-respeto yang taong yan. Siguro iniisip mo din na nagloloko lang ako. Diyan ka nagkakamali kaibigan. Isipin mo nalang na sa pagka-dami dami ng kapalpakan na nagawa niya, na-manage pa rin niyang makuha ang respeto ko. Tulad ng sinabi ko sa 11th sentence (cge na, wag ka nang mahiya, tignan mo na ulit), mukha lang siyang typical na estudyante, pero maniwala kayo, hindi talaga. Maski mukha siyang mokong, normal lang sa kanya ang magkaroon ng line of 9 sa card. At ang line of 8 sa kanya, ay parang line of 7 sa ating mga normal na tao. Maski pasaway yan, sandamakmak pa din ang mga kaibigan niya gawa ng magandang at kaaya-aya niyang pag-uugali. Kumbaga siya si Ditto sa mundo ng Pokemon. Flexible at kayang makipagsabayan sa hangin ng buhay. Matindi din ang determinasyon niyan. ‘Pag may gusto yang tapusin o matutunan, makakaasa kang magagawa niya. Minsan nga napagkakamalan ko siyang si pareng Sungha Jung o kaya si pareng Yaphets. Ako’y isang engineering student, at nung nakita ko ang mga gawa niya sa AutoCad, napalunok nalang ako sa sobrang galing. Maski mahirap sabihin (pasalamat ka birthday mo), ang dating mentor niya sa mundo ng DoTA, support nalang niya ngayon. At ang nakakatuwa pa diyan ay malambot din ang puso ng taong yan. Siya yung tipong uunahin ka pa kesa sa sarili niya. Mag-iipon ng pera pambili ng chibog hindi lang para sa kanya, kundi para din sa mga kaibigan niya. Papautangin ka kung medyo gipit ka. Dadamayan ka kung malungkot ka. Ipagluluto ka kung nagugutom ka. Uubusin ang tira mong pagkain kung ‘di mo na ito kayang ubusin. At Patatawanin ka kung medyo badtrip ka. Tuwing sinasabi niya sa akin na “kuya, iba ka talaga. Nakakainggit eh.”, natatawa nalang ako. Kung nakikita niya lang ang nakikita ko. Baka pati siya mainggit sa sarili niya. Oo minsan nakakainis yan. Sa katunayan, hanggang ngayon nag-aaway pa din kami. Pero maski magsapakan na kami at magmurahan hanggang mapaos, ‘di magbabago ang samahan namin. ‘Di ako perpektong kuya. Aaminin kong marami na din akong kasalanan at pagkukulang sa kanya. Pero maski anung mangyari, makakaasa siyang susuportahan ko siya at tutulungan sa kahit anong aspeto ng kanyang buhay. ‘Pag mayroong may atraso sa kanya , wag siyang mag-alala, andito ako para paghigantihan siya sa mga paraan na ‘di niya maiisip. At kung may gustong gumulo sa kanya, pusang gala, baka gusto niyang makatikim ng mga moves ng isang ninja assassin. Kaya sa aking pinakamamahal na brother bear, clone ni John Lloyd, at partner-in-crime, ehem, HAPPY BIRTHDAY! Ang laki mo na dre. ‘Di na kita kayang kargahin. Isang taon nanaman ang nadagdag sa iyong astig at makulay na buhay. Be happy, wag ka nang magsayang ng panahon sa kalungkutan. Potek, ang swerte swerte mo nga kung alam mo lang. Alam kong nakakasawa na (maniwala ka, sawang sawa na din ako), pero studies first. Mamili ka, magpakasaya ka ngayon at magdusa ‘pag nagtagal? O magdusa ka ngayon at magpakasaya habang buhay? Yan lang ang tanging kayamanan na ‘di mananakaw sayo. Knowledge is power. Ipapakita pa natin kay dad na ‘di lang mambobote ang kakayanan natin. Stay cool and chillax. Isa ka sa mga taong hinding hindi ko ipagpapalit. At tandaan mo na mahal na mahal ka din ni kuya.