“PAG-IBIG”. Isang salitang pagka-simple simple pero kailangan ng sandamakmak na taon bago ito lubusang matutunan. Para ‘tong isang malupet na adventure na ‘di mo alam ang mangyayari. May mga taong chinachamba at nahahanap agad ang mga long life partners nila at meron namang mga taong malas na binibigay na ang lahat pero ginagawang laruan lang. Sa naranasan ko, once na pinasukan mo ang makabuluhang mundo ng pag-ibig, mahirap na itong takasan. Kumbaga may cycle. Magkaka-crush ka, kikilalanin mo, dadaan sa ligaw stage, magiging kayo, may mangyayari na’ di kanais-nais, mag-aaway, magbabati, may mangyayari nanaman, magsasawa na, bibitaw, mag-e-emo mode ng ilang buwan, tapos ayan nanaman, hahanap hanapin mo ang feeling ng palaging may kasama, kausap, kayakap at kung anu-ano pa. Nung una, natatawa ako sa kanta ni pareng bieber na “somebody to love”. Alam kong maraming galit sa kanya dahil sa masama nyang ugali (isa na ko dun), pero kahit papano may bahid din naman yun ng katotohanan. Maniwala ka na ‘pag nawala ang taong mahal mo, hahanap hanapin mo ang pakiramdan ng “meron”, yung pakiramdam na “in a relationship”, lalo na ‘pag mga 2 months palang kayong nawala. Juice ko, matututunan mong magdrama, umiyak bago matulog, tumambay lang buong araw sa bahay at namnamin ang kalungkutan ng pagiging mag-isa. Nakakatawa man isipin pero totoo yan. Mahirap. Lagi namang ganun eh, mahirap sa simula pero pag nagtagal, makakaget-over ka na din at unti-unti ka na ding ngingiti. Isang malupet na cycle na nararanasan ng maraming tao. Pero alam mo ba kung anung ka-isa-isang tanong na ‘di ko masagot pagdating sa pag-ibig? Ito ay kung bakit ang mga taong matindi at maalam magmahal ng tunay ay kadalasan pang nabibigo, pinaglalaruan at nasasaktan. Yung tipo na mga tao na ginawa na ang lahat, pero parang may kulang pa din, parang ‘di pa din sapat. Malas nga naman oh. Pero ganun talaga ang buhay. May dadating, may mawawala. Sa mga pangyayaring ganan nakikilala mo ang pinakamahusay na teacher na pwedeng magturo sayo sa mundong ito; experience. Malupet na teacher yan si pareng experience. Paiiyakin ka at sasaktan para lang matuto ka. At ang nakakatuwa dyan ay tumatatak talaga sa utak mo ang mga dapat at hindi dapat gawin pagdating sa pag-ibig. Walang theoretical exam, puro practical at hands-on exams lang. O ‘di ba astig? Natatawa din ako sa mga taong nagsasabi ng “kung kayo talaga, magiging kayo sa huli”. Isang maganda at masarap pakinggan na kataga ‘pag heartbroken ka o desperado para sa isang tao pero ‘di ba nila naiisip na without effort, destiny won’t work? Anung gusto nila? Tumunganga nalang at hintayin maging sila ng mga knights in shining armor nila? Potek. Para kang naghihintay ng bus sa isang train station. ‘Pag may gusto ka, gumalaw ka. Hindi ka pwedeng pa-ata ata lang at naghihintay ng milagro. Sige ka, ‘pag ika’y naunahan, wag kang iiyak. Pagdating sa mundo ng pag-ibig, wag kang mahihiya, matatakot o madidismaya. Go lang ng go. Banat lang ng banat. Kagatin mo ang bawat opportunity na makakaharap mo. Sayangin mo na ang isang taon, wag lang ang isang pagkakataon. Mas mabuti nang may ginawa at pumalpak kesa sa walang ginawa. Isa sa pinaka panget na feeling ay ang feeling ng “regret”. Yung tipong ‘pag hihiga ka na sa kama mo, iisipin mo nalang ay “what if?”. Potek. ‘Di ka patutulugin nyan. At ang malupet pa, sisirain pa nyan ang araw mo gamit ang kalungkutan. Wag na wag ka ding maghahanap ng iba dahil gusto mo nang makalimutan ang taong wumasak ng puso mo. Wag kang maghanap ng human band-aid na sandaliang itatago at tatakpan ang sugat ng iyong puso. tandaan na hindi laro ang larangan ng pag-ibig. Hindi ‘to tulad ng DoTA na pag nagrespawn ka, tuloy lang ang laban na parang walang nangyari. ‘Di ka din si mario na pwedeng magka-infinite lives at magpakabaliw nalang sa laro. tao ka, at naka-built in na sayo ang konsepto ng pag-ibig pero tandaan na tao din ang minamahal mo at tulad mo, nasasaktan din sila at umiiyak. Hindi biro ang landas ng pag-ibig ‘pag sinimulan mo na itong tahakin. Mapapagod ka, magsasawa at madadapa. Oo, masasaktan ka na parang akala mo gugunaw na ang mundo pero anung gagawin mo? hihilata ka nalang jan? tumayo ka at tapusin mo ang sinimulan mo. Wag kang susuko. Walang tiyaga, walang nilaga. No pain, no gain. Balang araw mahahanap mo din ang taong sasabayan ang tibok ng puso mo hanggang sa huling hinga mo.
Pag-ibig nga naman
This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.
soo true