The best things in life are not things

“Friday”: isa sa mga paboritong araw ng mga estudyante maliban sa kanilang birthday at pasko. Isang signal na nagsasabing malaya ka na ulit at pwede ka nang magpakasaya. Bilang isang college student, ang weekend para sa akin ay panahon para umuwi sa aking pamilya at magpahinga. Kadalasan, nakakarating na ko sa bahay ng mga 10. Nakakatamad kaseng umuwi ng maaga. Traffic, mausok, masikip sa jeep, at mainit. Bago umalis ng dorm, bibong-bibo ako magdala ng mga libro at mga assignments na dapat sagutan, pag-uwi naman sa bahay, nagiging design lang ‘to at pampabigat sa bag. Pagdating naman sa bahay every weekend, isang routine lang ang napapansin kong ginagawa ko. Pagpasok sa pintuan ng bahay, magtatanggal ako ng sapatos, aayusin ang gamit at damit, magpapahinga, aasarin ang kapatid kong lalaki, maliligo, kakain, aasarin naman ang kapatid kong babae at makikipag-bonding na sa aking everlasting bestfriend; ang aking computer. kinabukasan, saturday, lagi akong gumigising ng late. As in late. Mga 1 or 2 ng hapon. Sobrang matakaw ako sa tulog. Yung tipong ‘pag iniwan mo ko sa isang kwarto na malamig, maraming unan, at madilim, kaya kong matulog buong araw. Gustuhin ko man matulog ng maaga at gumising ng maaga tulad ng isang normal na tao, ‘di ko kaya. Sirang sira na kase ang biological clock ko gawa ng mga Acads at kung anu-ano pa. Pagkatapos gumising, kakain na ko, tutulong ng kahit papano sa mga gawaing bahay tapos ayan na, bonding with my everlasting bestfriend. Hanggang gabi na yun. Tulog ng late, gising ng late, magsisimba tapos babalik nanaman ng dorm. Potek yan. Ang pinaka iniintay kong weekend, natapos lang sa isang iglap. Anyway, sa weekend routine kong yan, nakakabasa ako ng mga astig na posts, nakakatawang jokes at mga life-changing statuses. At isa sa mga life-changing statuses na yun ay nanggaling sa isa kong kaibigan at partner-in-crime na itatago ko sa pangalang Yoshua Kihanu. Ang pinost niya ay: “The best things in life are not things”. Simple pero malaman. Nung una, ‘di ko lang yan pinansin, ni-like ko lang tapos scroll down na agad, pero nung matutulog na ko, dun na ko napa-isip na tama nga naman. Pumasok sa utak ko ang pamilya ko, kaibigan, pag-ibig (please refer to “Pag-ibig nga naman”, post ko din yun, nasa lower right ata nitong page), at mga simpleng mga bagay na masasabi kong napangiti ako. Naalala ko yung mga childhood days ko na naglalaro kami ng mga pinsan ko ng tagu-taguan, tamaang tao, at bang-sak. Kumakain ng mik-mik at haw flakes. Yung iiyak ka hindi dahil sa heartbroken ka kundi dahil nalaglag yung nag-iisang candy na binili mo. Yung matatakot at kakabahan ka hindi dahil sa nagnakaw ka o nakapatay kundi dahil binantaan ka ng kalaro mo ng “isusumbong kita sa nanay ko”. Yung mga panahon na parang ang simple lang ng buhay. Yung panahon na inosente ka pa at parang wala kang alam sa mundo. Ako ay isang bata na tinuruan ng aking mga magulang na hindi mahalaga ang mga material na bagay. Tuwing nakakakita ako ng mga batang pinagyayabang ang kanilang mga i-Pads, mga nangangain na cellphones at kung anu-ano pang mga matitindi at pagkamahal-mahal na gadgets, hindi ako naiinggit. As in parang wala lang. Napapangiti nalang ako at sinasabi sa sarili ko na: “Kawawa naman ang mga batang ere”. ‘Di na nila naranasan ang masayang childhood. Yung childhood ng isang simpleng bata. Hanggang sa pagtanda, binibigyan ko ng halaga ang mga pinsan ko at mga childhood friends. Nadagdagan man sila through time, lahat sila siguradong may sariling pwesto sa puso ko. Pero siyempre wag mong kakalimutan ang mga tunay mong bestfriends sa mundong ito; ang iyong mga magulang. Oo, nakakainis sila paminsan minsan lalo na ‘pag bigla nalang silang papasok sa kwarto habang nagbibihis ka tapos sasabihing: “wag ka nang mahiya, ilang beses ko nang nakita yang ano mo”. ‘Di ko alam kung ma-totouch ba ko o mabobother. Wew. O kaya naman ipagyayabang ang mga hubad mong baby pictures sa mga kaibigan mo na parang kulang nalang i-upload nila ito sa facebook at i-tag lahat ng nilalang sa mundo. Minsan nakakabagot, nakakahiya at nakakapikon pero maski anung pahiya na ang ginawa nila sa’yo, aminin mo, mahal na mahal mo sila. Pagkatapos ng lahat ng nagawa nilang ‘di kanais-nais sa’yo, ang tumatatak pa din sa puso at isipan mo ay yung mga simpleng bagay na ginagawa nila na masasabi mong: “Shet, mahal nga ako nito”. Nung bata ka, hahawakan nila ang kamay mo ‘pag tatawid ka, kakargahin ka pa nga kung medyo tinatamad ka eh. Sinusubuan ka ‘pag may sakit ka maski kaya mo namang kumain ng mag-isa. The hell. Sila na nga din ang naghuhugas ng pwet mo nung bata ka. Hindi pa ba yan pagmamahal para sa’yo? Alam ko na iba ang pagmamahal ng isang girlfriend o boyfriend pero tandaan mo na mas iba ang pagmamahal ng mga magulang mo. Walang kapares yan. Only one in the world. Sa mundong ‘to, sila ang mga taong masasabi mong kakampihan ka hanggang sa huli. Sasaktan ka hindi dahil trips lang nila, kundi dahil gusto nilang lumaki ka ng maayos at maging secured ang future mo. Sino ba namang magulang ang may gustong maging sabog ang buhay ng kanilang mga anak? Malamang wala. Tama nga naman ‘pag sinasabi nilang: “papunta ka palang, pabalik na ko”. Sa nakikita ko, dapat ang kasabihang yan ay: “papunta ka palang, pabalik na ko… nakakain, nakatulog at nakatae na, ano? Nasan ka na?”. Isipin mo nalang kase kung ilang taon ang tanda nila sa’yo, at sa bawat taon na yun, meron silang natututunan na bago at nakikitang mali. At kaya ka nila pinapagalitan ‘pag nakikita nilang medyo tagilid na ang buhay mo kase ayaw nilang maghirap ka at magsisi. O ano? gets mo na? Makinig ka nalang sa kanila kase maniwala ka, may mga alam sila na ‘di mo pa alam. Sila ang mga Yoda mo sa iyong buhay. Mga human guardian angels mo. Mga exclusive Power Rangers mo na ipagtatanggol ka sa kasamaan ng mundo. Tuwing niyayakap ka nila at hinahalkan, madalas magrereklamo ka na malaki ka na at ‘di ka na bata. Oo, tama ka diyan. Lumalaki ka na nga at nagmamature, pero ikaw lang ba ang tumatanda? Life is short. Wag ka nang mag-aksaya ng oras sa mga walang katuturan na bagay. Gusto mong sumaya? Open your eyes and look around you. Ang tagal nang nakahain sa buhay mo ang mga taong magbibigay sa’yo ng tunay na kaligayahan. Ang iniintay lang nila ay pansinin mo sila at bigyan ng halaga. Go. Hug and kiss your love ones. Show that you love them. Sila ang mga “best things” sa mundong ito. Napakita na nilang ikaw ang buhay nila, siguro panahon na para ipakita na sila din ang buhay mo.

Nakaka-miss din maka-miss

Missing someone sucks. Bigla bigla ka nalang mapapatulala, at maiisip mo ulit ang mga bagay na madalas niyong gawin dati. At ang nakakainis pa diyan ay wala ka pwedeng gawin kase wala na kayo. Tapos na. ‘Di na pwedeng balikan. Minsan mapapaisip ka pa kung namimiss ka din kaya niya. Mapapaisip ka kung sa saktong oras na yun, iniisip ka din kaya niya. Minsan sa mga ganung panahon, bigla kang tatapang at mabubuhayan ng loob para kausapin siya o gumawa ng first move. Pero minsan hihigitin ka pa din ng takot na baka magsisi ka at mas mapahamak ka pa. Ang hirap ‘pag nag-aaway ang puso at ang utak mo. ‘Di mo alam kung sino ang susundin. Sa katunayan, naranasan ko na yan dati. Tulad ng marami sa inyo, minsan na din akong nabigo sa pag-ibig. Aaminin ko sa part ko na naging masaya at memorable din naman ang adventure namin ng ex-girlfriend ko. Pero sa kasamaang palad, kinailangan kong itigil ang relasyon namin. Hindi na kase maganda ang mga nangyayari. Natuto siyang magsinungaling at magtago. Though gustong gusto pa ng puso ko, ayaw na ng utak ko. Oo mahal ko siya pero sana minahal niya din ako ng totoo. Makalipas ang mga ilang buwan na wala kami, nararamdaman ko nang unti-unti ko siyang namimiss. Pinipilit kong itago at i-divert ang attention ko pero mukhang ayaw nang magpapigil ng puso ko. Isang gabi, habang nasa dorm at ka-text siya, bigla ko nalang naisipang pumunta sa kanila para umiyak, sabihin ang nararamdaman at itanong kung pwede pa bang maging kami. ‘Di ko na inisip na kung bakit ko pa siya babalikan kung nagawa na niyang wasakin ang puso ko dati. Basta ang gusto ko sa mga oras na yun ay magkabalikan kami at malaman na ‘pag gumising ako kinabukasan, mapapangiti nalang ako kase kami na ulit. ‘Di na ko nagsayang ng oras, tinext ko agad ang kapatid nya, tinawagan ang nanay niya at nagpaalam kung pwede akong bumisita sa kanila (mabait ang mga magulang nya pati na rin ang kapatid niya, sa katunayan, ‘pag sinursurprise ko nga siya dati, sila ang nagiging mga sidekicks ko), pumayag sila at ako naman, nagmadali akong naligo habang pinaki-usapan ang housemates ko na mag-order ng mga bulaklak. Siyempre nagulat na matawa tawa ang mga housemates ko, akala nga nila nagloloko lang ako eh. Pinayuhan pa nga nila ako na isipin ko muna ang gagawin ko pero ayun, pasok sa isang tenga ko, labas sa kabila. Wala na kong inisip kundi kailangan ko siyang puntahan. Mga 10 na ng gabi yun kaya hindi na din ako nakakuha ng flowers. Paglabas ko ng bahay, tumakbo ako hanggang sa nakakita ako ng isang jeep. Sumakay ako at agad na sinabi sa driver na umalis na at rerentahin ko na ang jeep niya. Sinong driver ba naman ang ‘di gugustuhin yun? Eh ako nalang ata ang taong naglalakad sa kalsada. Nang makarating ako sa kanila, naramdaman ko na ang kaba. Bigla nang sumulpot ang kung anu-anong mga tanong sa utak ko. Tulad ng: anu kayang mukha niya? Magugulat kaya siya? Ano kaya ang magiging reaction niya? Pareho kaya kami ng nararamdaman? Pero andun na ko, do or die na ‘to. Pagbukas ko ng pinto, ayun, nakita ko na siya. Sa sobrang ‘di ko alam kung anung sasabihin ko, para akong tanga na nakatayo lang sa harap niya. After mga 5 minutes, as in 5 minutes, naramdaman ko nang tumulo ang luha ko. Lumapit ako sa kanya ng dahan dahan at tumabi sa kanya. Niyakap ko siya at nagsimula nang magsalita. ‘Di ko na inisip na nandun din ang magulang at kapatid niya sa living room. ‘Di ko na din inisip na baka nakakaabala ako. After ng mga isang oras ng pag-iyak (parang bata lang eh noh?), tinanong ko siya kung anong nararamdaman niya. Nagulat ako na parang wala lang sa kanya. Umalis ako sa kanila ng may halong saya at lungkot. Saya dahil nailabas ko na din ang nararamdaman ko at dahil nakita ko ulit siya. Lungkot naman dahil ‘di ko nakuha ang reaction na ine-expect ko. Tama nga sila na ‘pag mahal mo ang isang tao, kaya mong gumawa ng mga bagay na ‘di mo aakaling magagawa mo. Kahit papano, mararanasan mong maging Spiderman. Pero tulad ni Spiderman, ‘pag nawala ang Mary Jane mo sa buhay mo, malulungkot ka, maninibago at mamimiss mo ang mga bagay na ginagawa niyo dati. Mamimiss niyo ang pagiging “kayo”. Yung tipong sa mundong ‘to, mapapangiti ka sa isang tao hindi lang dahil sa mga nagawa niyang magaganda sayo, kundi dahil din sa mga cute na kapalpakan na nagagawa niya. Mapapaiyak hindi dahil sa may nagawa siyang ‘di kanais-nais, kundi dahil nag-effort siyang pasiyahin ka dahil alam niyang nagkamali siya. At kumilos ng “ikaw” dahil alam mong maski anong mangyari, tatanggapin ka niya at mamahalin ka niya habang buhay. O ‘di ba hindi biro ‘pag nakakamiss ka ng isang tao? Mas magulo pa ‘to sa pinakamahirap na integral na makikita mo. Kaya sa inyong mga lalaki na nagbabasa nito, pahalagahan niyo ang tanging prinsesa sa buhay niyo. Simple lang naman ang gusto ng mga yan. Magpakita lang kayo ng effort at iparamdam na mahal niyo nga sila. Isantabi niyo muna ang DoTA o mga gimmick kasama ang mga tropa. Hindi ka naman papatahanin ni Mirana pag umiyak ka. At mas lalong ‘di ka hahalkan at yayakapin ng mga tropa mo. At sa mga babaeng nagbabasa nito, though mukhang mga bato ang mga knights in shining armor ninyo, parang mga cotton candy yan sa loob. Maniwala kayo na isa’t kalahating iyakin din kami. Kaunting lambing lang, mas mapapa-amo nyo pa kami sa pinakamaamong pusa sa mundo. Tamang timpla lang ng saya at lungkot ang kailangan sa isang relationship. Hindi pwedeng puro saya, at hindi rin pwedeng puro lungkot. At ‘pag nakuha nyo na ang tamang timpla, sigurado ako na ang mami-miss mo naman ay ang feeling ng pagmi-miss ng isang tao.

Pag-ibig nga naman

“PAG-IBIG”. Isang salitang pagka-simple simple pero kailangan ng sandamakmak na taon bago ito lubusang matutunan. Para ‘tong isang malupet na adventure na ‘di mo alam ang mangyayari. May mga taong chinachamba at nahahanap agad ang mga long life partners nila at meron namang mga taong malas na binibigay na ang lahat pero ginagawang laruan lang. Sa naranasan ko, once na pinasukan mo ang makabuluhang mundo ng pag-ibig, mahirap na itong takasan. Kumbaga may cycle. Magkaka-crush ka, kikilalanin mo, dadaan sa ligaw stage, magiging kayo, may mangyayari na’ di kanais-nais, mag-aaway, magbabati, may mangyayari nanaman, magsasawa na, bibitaw, mag-e-emo mode ng ilang buwan, tapos ayan nanaman, hahanap hanapin mo ang feeling ng palaging may kasama, kausap, kayakap at kung anu-ano pa. Nung una, natatawa ako sa kanta ni pareng bieber na “somebody to love”. Alam kong maraming galit sa kanya dahil sa masama nyang ugali (isa na ko dun), pero kahit papano may bahid din naman yun ng katotohanan. Maniwala ka na ‘pag nawala ang taong mahal mo, hahanap hanapin mo ang pakiramdan ng “meron”, yung pakiramdam na “in a relationship”, lalo na ‘pag mga 2 months palang kayong nawala. Juice ko, matututunan mong magdrama, umiyak bago matulog, tumambay lang buong araw sa bahay at namnamin ang kalungkutan ng pagiging mag-isa. Nakakatawa man isipin pero totoo yan. Mahirap. Lagi namang ganun eh, mahirap sa simula pero pag nagtagal, makakaget-over ka na din at unti-unti ka na ding ngingiti. Isang malupet na cycle na nararanasan ng maraming tao. Pero alam mo ba kung anung ka-isa-isang tanong na ‘di ko masagot pagdating sa pag-ibig? Ito ay kung bakit ang mga taong matindi at maalam magmahal ng tunay ay kadalasan pang nabibigo, pinaglalaruan at nasasaktan. Yung tipo na mga tao na ginawa na ang lahat, pero parang may kulang pa din, parang ‘di pa din sapat. Malas nga naman oh. Pero ganun talaga ang buhay. May dadating, may mawawala. Sa mga pangyayaring ganan nakikilala mo ang pinakamahusay na teacher na pwedeng magturo sayo sa mundong ito; experience. Malupet na teacher yan si pareng experience. Paiiyakin ka at sasaktan para lang matuto ka. At ang nakakatuwa dyan ay tumatatak talaga sa utak mo ang mga dapat at hindi dapat gawin pagdating sa pag-ibig. Walang theoretical exam, puro practical at hands-on exams lang. O ‘di ba astig? Natatawa din ako sa mga taong nagsasabi ng “kung kayo talaga, magiging kayo sa huli”. Isang maganda at masarap pakinggan na kataga ‘pag heartbroken ka o desperado para sa isang tao pero ‘di ba nila naiisip na without effort, destiny won’t work? Anung gusto nila? Tumunganga nalang at hintayin maging sila ng mga knights in shining armor nila? Potek. Para kang naghihintay ng bus sa isang train station. ‘Pag may gusto ka, gumalaw ka. Hindi ka pwedeng pa-ata ata lang at naghihintay ng milagro. Sige ka, ‘pag ika’y naunahan, wag kang iiyak. Pagdating sa mundo ng pag-ibig, wag kang mahihiya, matatakot o madidismaya. Go lang ng go. Banat lang ng banat. Kagatin mo ang bawat opportunity na makakaharap mo. Sayangin mo na ang isang taon, wag lang ang isang pagkakataon. Mas mabuti nang may ginawa at pumalpak kesa sa walang ginawa. Isa sa pinaka panget na feeling ay ang feeling ng “regret”. Yung tipong ‘pag hihiga ka na sa kama mo, iisipin mo nalang ay “what if?”. Potek. ‘Di ka patutulugin nyan. At ang malupet pa, sisirain pa nyan ang araw mo gamit ang kalungkutan. Wag na wag ka ding maghahanap ng iba dahil gusto mo nang makalimutan ang taong wumasak ng puso mo. Wag kang maghanap ng human band-aid na sandaliang itatago at tatakpan ang sugat ng iyong puso. tandaan na hindi laro ang larangan ng pag-ibig. Hindi ‘to tulad ng DoTA na pag nagrespawn ka, tuloy lang ang laban na parang walang nangyari. ‘Di ka din si mario na pwedeng magka-infinite lives at magpakabaliw nalang sa laro. tao ka, at naka-built in na sayo ang konsepto ng pag-ibig pero tandaan na tao din ang minamahal mo at tulad mo, nasasaktan din sila at umiiyak. Hindi biro ang landas ng pag-ibig ‘pag sinimulan mo na itong tahakin. Mapapagod ka, magsasawa at madadapa. Oo, masasaktan ka na parang akala mo gugunaw na ang mundo pero anung gagawin mo? hihilata ka nalang jan? tumayo ka at tapusin mo ang sinimulan mo. Wag kang susuko. Walang tiyaga, walang nilaga. No pain, no gain. Balang araw mahahanap mo din ang taong sasabayan ang tibok ng puso mo hanggang sa huling hinga mo.